Paalaala
- HOME
- Paalaala
Impormasyon tungkol sa Pamumuhay sa iba't ibang wi
「Nakikita ang Fukushima sa pamamagitan ng mata ng mga dayuhan!」 PanayamVol.6 Unang Bahagi
2023.04.13
Ang panayam na ito ay ihahatid sa 2 bahagi_(._.)_
Siyanga pala, sino ang mabait na tumanggap ng panayam sa pagkakataong ito?
OK~~ Umpisahan na natin! ( ^^) _旦~~
【Pakisabi ang iyong pangalan.】
Anthony Gillan ang pangalan ko.Puwede nyo din akong tawaging Tony.
【Palayaw mo ba ito?】
Medyo may kaibahan sa palayaw.Sa Ingles laging nagiging Tony ang Anthony.Ang Anthony na pangalan ay, tulad sa wikang Italia ito ay nagiging「 Antonio」、sa wikang Alemanya naman ito ay、「Anton」. Sa Pranses naman eto ay tinatawag sa「Antoine」.
【-------------------Ahh ganoon ba(゚д゚)!-------------------】
【Maraming salamat muli, Tony. Mag umpisa na tayo<m(__)m>】
【Saang bansa ka nanggaling】
Ako ay mula sa Estados Unidos
Noong nakaraan, sinayaw ng mga bata sa kindergarden ang kanta ng DA PUMP na「U・S・A」para sa akin, kaya ang laki ng pasasalamat ko(笑)
【Gaano ka na katagal sa Japan?】
Halos mga 13 taon na. Una akong nagtrabaho sa Japan ng 5 taon bilang ALT.Bumalik ako sa Estados Unidos ng 2 taon para mag aral sa graduate school, at pagkatapos ay bumalik ako sa Japan na mag 8 taon na ang makakalipas.
【Ano ang trabaho mo?】
Kasalukuyan akong nagtatrabaho bilang Coordinator para sa International Relations (CIR) sa Date City Hall.
【Ano ang ikinalulugod mo sa pagtatrabaho bilang CIR?】
Nasisiyahan akong magturo ng Ingles sa mga bata sa kindergarden.
Ang mga bata ay kyut at ang bawat maliliit na bagay ay maaaring maging kapana-panabik, kaya natutuwa akong turuan sila.
【Ano ang iyong hilig?】
Ang libangan na may kaugnayan tungkol sa wika,mahilig akong mag aral ng wikang Esperanto.
Ang Esperanto ay ang karaniwang wika ng mundo na tinatawag na artipisyal na wika. Ito ay upang protektahan ang kultura ng bansa at hayaan ang mga tao sa buong mundo na mag aral at matuto ng pantay- pantay.
Mayroong isang grupo ng pag-aaral bawat lingo sa lunsod ng Fukushima, at nakilahok din ako sa Tohoku tournament.
Bilang karagdagan, gusto ko ang alak, kaya tumitikim ako at itinatala ko sa ginawa kong card ang lasa, amoy, lugar ng produksyon at iba’t ibang uri ng ubas.
Isa pa, simula ng dumating ako sa lunsod ng Date naadik na ako sa paghahalaman.Hindi ako masyadong magaling, pero gumagawa ako ng berdeng kurtina gamit ang halamang moring glory.Napakasaya ng paghahalaman kaya nakakaadik ito(笑)
【Mangyaring sabihin sa amin kung ano ang mangyari bago pumunta ng Japan?】
Ako ay naninirahan sa isang lunsod malapit sa Seattle.Interesado ako sa biology, lalo na sa katawan ng tao,kaya nagpasya ako na maging isang nars at nag erroll sa Faculty of Nursing.Nasiyahan ako sa pag-aaral ng biology.Pagkatapos ay nagsimulakong magpraktis sa isang ospital,ngunit hindi ito nabagay sa akin, kaya huminto ako sa pag-aaral sa Faculty of Nursing at nag-aral sa ibang faculty bago magtapos ng unibersidad. Actually, 2 diploma dapat ang tatanggapin ko(笑)
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
【Salamat sa pagpapakilala mo!!】
Ngayon ay mapunta tayo sa pinaka pangunahing paksa!Gayunpaman dahilsa napahaba ang unang bahagi,ang katuloy ay sa pangalawang bahagi!!
Paki abangan ang kasunod!

Paalaala
-
Impormasyon tungkol sa Pamumuhay sa iba't ibang wi
2023.09.21
Days of Fukushima Footbath of Tsuchiyu Hot Spring
-
Impormasyon tungkol sa Pamumuhay sa iba't ibang wi
2023.08.04
Days of Fukushima―Peach sa lunsod ng Fukushima
-
Impormasyon tungkol sa Pamumuhay sa iba't ibang wi
2023.07.20
Pag-aalis ng regulasyon sa pag import ng pagkain ng Hapon sa Europa
-
Impormasyon tungkol sa Pamumuhay sa iba't ibang wi
2023.07.14
Mga pagdiriwang ng tag-init sa Prepektura ng Fukushima
-
Impormasyon tungkol sa Pamumuhay sa iba't ibang wi
2023.06.15
「Nakikita ang Fukushima sa pamamagitan ng mata ng mga dayuhan!」 PanayamVol.7