Araw-araw na pamumuhay
- HOME
- Araw-araw na pamumuhay
Araw-araw na pamumuhay
1.Sa oras ng kagipitan(emergency)
Numero ng 110 at 119 ang mga dapat kontakin sa oras ng kagipitan. Libre ang pagtawag.
Kung mag kagayon ay maaaring mangailangan ng interpretasyon.
Ang mga sumusunod ay kinakailangang sabihin.
「Gaikoku-jin desu.」(ako po ay dayuhan)
「Tagalog ga wakari masu.」(Tagalog po ang alam kong wika)
「Namae wa(jibun no namae)desu.」(sabihin ang iyong pangalan.)
「Koko wa (jusho、mata wa iru tokoro) desu.」(sabihin ang iyong adres o kaya ang lugar ng kasalukuyang kinarorounan)
(1) Kung maaksidente, manakawan, o makadanas ng karahasan tumawag sa「110」
Sa numero 110. Darating ang pulis.
(2) Kung masugatan, biglang pagsama ng pakiramdam tumawag sa「119」
Sa numero 119. Darating ang ambulansya.
(3) Kung magkasunog tumawag sa「119」
Sa numero 119. Darating ang bombero.
2.Pagtatapon ng basura
Sa bansang Hapon ay itinataguyod ang patakaran ng 3R sa pag buo ng recycling society na may balanseng ekonomiya at kapaligiran.
Reduce | ・・・mabawasan ang basura |
---|---|
Reuse | ・・・muling paggamit |
Recycle | ・・・pagbabago ng tinapong basura bilang bagong materyal. |
Dahil dito, kinakailangang paghiwahiwalayin ang basura bago itapon.
- ①Basurang nasusunog(basura mula sa kusina,mga gawang papel at iba pa)
- ②Basurang di-nasusunog(basag na plato, baso,metal, salamin at iba pa)
- ③Basurang maaaring i-recycle(bote, lata, diyaryo, libro, lalagyan na gawa sa plastik, karton, atbp.)
- ④Malalaking basura, maaring may bayad para itapon o i-recycle(mesa, bisikleta, atbp.)
- ⑤Mga elektrik aplianses, maaaring may bayad para itapon o i-recycle(refrigerator, air conditioner, TV, washing machine, freezer, personal computer, atbp)
Ang basura ay itapon sa tamang tapunan at itinakdang araw.
Sa bawat lugar ay may iba't ibang patakaran sa pag tatapon ng basura. Magtanong sa munisipyo ng iyong tinitirahan o kabitbahay tungkol sa tuntunin ng pag tatapon ng basura.
Ang pagkuha ng itinapong basura buhat sa basurahan at ang pagtatapon ng basura sa di-nakatakdang tapunan ay ipinagbabawal.
3.Banko
Pag magbubukas ng account sa bangko ay kakailanganin ang 「residence card」at「My Number card」at inkan o seal.
Puwedeng magpagawa ng bankbook at cash card
Kapag babalik na kayo sa sarili ninyong bansa at hindi na ninyo gagamitin ang bankbook, kinakailangang ekansel ninyo ang inyong account sa bangko.
Ipinagbabawal ang pagbebenta o pagbibigay ng account ng bangko( atm card at bankbook).
4.Lisensya・Tuntunin sa trapiko・ang pag gamit ng bisikleta
(1)Lisensya
Sa pagkuha ng lisensya, kailangang pumunta sa Fukushima Prefecture Driver's and Vehicle's Licensing Center
May dalawang Driver's and Vehicle's Licensing Center sa prepektura ng fukushima Fukushima City at Koriyama City.
-
Fukushima Prefectural Police「License Center Access」( wikang Hapon)
http://www.police.pref.fukushima.jp/04.menkyo/-8other/menkyoaccess/m_9.html①Sa taong kukuha ng lisensya sa bansang Hapon
Para makakuha ng diver's license ay kinakailangang kumuha ng praktikal test sa pagmamaneho at ng wriitten test tungkol sa rule ng trapiko.
Pag pumasa sa dalawang test na ito ay makakatanggap na ng lisensya.
Para makapasa sa examinasyon marami ang pumapasok sa driving school.②Ang may lisensya ng sariling bansa
Maaaring magpalit ng lisensya kuha sa sariling bansa sa lisensya ng bansang Hapon.
-
Fukushima Prefectural Police「pagpapalit ng foreign driver's license sa Japanese driver's license」( wikang Hapon)
http://www.police.pref.fukushima.jp/04.menkyo/-6gaikoku/kirikae.pdf -
Metropolitan Police Department「Foreign license・International driver's license」
https://www.keishicho.metro.tokyo.jp/multilingual/other/tagalog/index.files/kokusaimenkyo_Tagalog.pdf
(2)Tuntunin sa trapiko
Ang bansang Hapon ay may mga tuntunin
-
Metropolitan Police Department「Tuntunin sa trapiko」(Ingles)
https://www.keishicho.metro.tokyo.jp/multilingual/english/traffic_safety/traffic_rules/index.html
(3)Pagsakay ng bisikleta
Magbisikleta sa kaliwang bahagi ng kalsada.
Ipinagbabawal ang pagsakay o paggamit ng bisikleta kapag makainom ng alak, pagsakay ng dalawang tao, paggamit ng payong at smart phone habang nagbibisikleta.
-
Metropolitan Police Department 「Safety Guidelines for Cyclists」pamphlet sa wikang (Hapon, Ingles, Intsik, Koreano, Portugese)
https://www.keishicho.metro.tokyo.jp/multilingual/other/portuguese/index.files/SafetyGuidelinesforCyclists.pdf
5.Buwis
Sa mga「rehistradong residente」sa bansang Hapon ay kinakailangang magbayad ng iba't ibang uri ng buwis.
Mga pangunahing buwis
(1)Mga main taxes
Ang bawat isa sa mamamayan ay kinakailangang magbayad nito buwan buwan.
Paraan ng pagbabayad, ang isa ay kinakaltas ng pinagtatrabahuang kompanya sa sahod at ang kompanya na ang nag proprosesso ang isa naman ay ikaw mismo ang magbabayad sa munisipyo.
(2)Income tax
Ang nagtatrabahong mamamayan ay kinakailangang magbayad nito buwan buwan.
Paraan ng pagbabayad, ang isa ay kinakaltas ng pinagtatrabahuang kompanya sa sahod at ang kompanya na ang nag proprosesso ang isa naman ay ikaw mismo ang magbabayad sa munisipyo.
(3)Buwis para sa sasakyan
Ang may sariling sasakyan ay kinakailangang magbayad nito taun taon.
Makakatanggap ng notice of payment para sa babayarang automobile tax mula sa city hall o ward office, dadalhin ito at bayaran ang halagang nakasulat.
(4)Consumption tax
Kasama itong ipinapataw sa babayaran pag bumili ng bagay o nakatanggap ng serbisyo
Karagdagan dito, iba't ibang uri ng buwis
-
National Tax Agency
https://www.nta.go.jp/english/index.htm
6.Pag upa ng tirahan
Dalawang paraan sa pag upa ng tirahan.
Pampublikong pabahay (public housing) ay pabahay ng lokal na pamahalaaan para sa mga naghahanap ng tirahan na mabababa ang suweldo
Ibinabalita sa homepage ng gobyerno at mga flyers na gawa ng gobyerno
Ang pag-upa ng pribadong pabahay ay kinakailangang komunsulta sa mga land agency.
-
Ministry of Lang, Infrastructure, Transportation「Apartment Search Guidebook」
https://www.mlit.go.jp/common/001312590.pdf
Karagdagan dito, komunsulta kung may suliranin o mayroong hindi maintindihang bagay.
Fukushima International Association「Tanggapan sa konsultasyon ng dayuhang residente」
https://www.worldvillage.org/life/tl/consultation/consultation.html