Tanggapan sa pagtulong para sa mga dayuhang residente
- HOME
- Tanggapan sa pagtulong para sa mga dayuhang residente
Tungkol sa (libreng)serbisyo ng konsultasyon para sa mga dayuhang residente
Sa Fukushima Intenational Association, ay nagtatag ng tanggapan para sa konsultasyon ng mga dayuhang residente
Huwag mag-atubiling tumawag kung mayroong katanungan tungkol sa klase ng pag-aaral ng wikang Hapon, paghahanap ng bahay, paghahanap ng trabaho, pagkuha ng health insurance, o kung anong uri ng mga dokumento ang kakailanganin mo para irenew ang iyong status ng paninirahan.
Kung may suliranin tungkol sa karahasan at pag aabuso sa bata, ay ituturo namin sa iyo ang tamang organisayon na makakatulong para malutas ang inyong suliranin, mangyaring makipag-ugnayan sa amin.
Magagamit din ang interpretasyon sa trelepono para sa mga pamamaraan at konsultasyon.
Poprotektahan ang mga kompidensyal na napag usapan,kaya huwag mag-atubiling komunsulta sa amin.
Ang konsultasyon at interpretasyon sa telepono ay libre. Ngunit ang magiging bill sa telepono ay sasagutin ng komunsulta.
- Ang komplikadong usapan ay iingatang lihim,kaya huwag mag-alala sa inyong pag konsulta.
- Ang kokonsulta ang magbabayad magiging charge sa pagtawag sa telepono.
Konsultasyon sa pamumuhay
Kaukulang tao | Tagapayo, taga-salin |
---|---|
Nilalaman | Tungkol sa mga pang araw araw na pamumuhay |
Target | Mga dayuhang naninirahan sa Prepektura ng Fukushima, ang kanilang pamilya at ibang kaugnay na partido |
Wika na maaring konsultahan (13 wika) | Wika ng Hapon, Intsik, Ingles, Koreano, Tagalog, Portugese, Vietnamese, Thai, Nepali, Indonesian, Espanyol, Ukrainian , Russian |
Oras ng Konsultasyon |
|
Paraan ng konsultasyon | interbiyu,telepono,FAX,E-mail, LINE call |
maliban dito | Kung nanaisin ninyo ang interbiyu, ipinapayo na magpareserba sa pamamagitan ng telepono ngang maaga upang maging maayos ang konsultasyon |
Pandalubhasang Konsultaston sa pamamagitan ng telepono (may sistema ng paunang aplikasyon)
Tagatugon | ①Abogado ②Administrative Scrivener |
---|---|
Nilalaman | ①Kasal, diborsiyo, mana, kontrata at problema sa pinapasukan at ibapa na may kinalaman sa batas. ②Kung papaano ang pag proprosesso ng emigration at immigration, status of resident, nationality. |
Target | Ang mga dayuhang naninirahan sa prepektura ng fukushima at ang pamilya nito |
Nauukol na wika (7 wika) | Wikang Hapon,Intsik, Ingles, Koreano,Tagalog, Portugese, Vietnamese |
Oras ng Konsultasyon | ① 1 katao sa loob ng isang oras ② 1 katao sa loob ng 30 minuto |
Oras at Araw ng konsultasyon | Pag natanggap na ang application form mapagpapasyahan kung kailan |
Paraan ng pag-apply |
Pirmahan ang application form sa pamamagitan ng e-mail, fax at ihulog sa post office,o personal na dalhin sa tanggapan ng FIA Maaaring mag apply sa Google form |
Oras ng pagtanggap | Martes ~ Sabado 9:00 a.m. ~ 5:15 p.m. |
At ibapa | Kung ilang beses puwedeng kumonsulta, 1 katao ay isang beses sa isang taon. |
Tanggapan sa pagtulong para sa mga dayuhang residente
〒960-8103
Fukushima-Ken Fukushima-shi Funabacho 2ban 1go Fukushima Kencho Funabacho bunkan 2kai
- TEL024-524-1316(eksklusibong telepono)
- FAX024-521-8308
- E-mail ask@worldvillage.org(eksklusibo para sa konsultasyon)
Tungkol sa libreng serbisyo ng pag sasalin sa pamamagitan ng telepono
Ang serbisyo ng konsultasyon para sa mga dayuhang residente ay,mayroon ding「Trio phone ang serbisyo ng sistemang ito ay libreng interpretasyon sa pamamagitan ng telepono.Puwedeng gamitin ng sabay ng dalawang partido ang nabanggit na serbisyo kung tatawag ang administrasyon sa dayuhan o ang dayuhan sa administrasyon.
Tulad ng mga sumusunod na sitwasyon pagpapalit ng address, pag proproseso ng pension o kaya naman ay health insurance, tax certificate, child-care allowance, problema tungkol sa trahaho.O kaya naman paaralan, pulis, at post office ay puwede ding gamitin.
Ang naaayong wika at oras ay katulad din sa libreng serbisyo ng konsultasyon.
Ang interpretasyon ay libre ngunit magkakaroon ng bayad ang tawag.

Tanggapan sa pagtulong para sa mga dayuhang residente
〒960-8103
Fukushima-Ken Fukushima-shi Funabacho 2ban 1go Fukushima Kencho Funabacho bunkan 2kai
- TEL024-524-1316(eksklusibong telepono)
- FAX024-521-8308
- E-mail ask@worldvillage.org(eksklusibo para sa konsultasyon)
Wikang nauukolNauukol na oras
- Hapon, Intsik, Ingles
- Martes ~Sabado alas 9:00 ~ 5:15 ng hapon
- Koreano, Tagalog, Portugese, Vietnamese
- Huwebes alas 10:00~2:00 ng hapon (para sa ika-apat at ika-limang lingo ng buwan ay nangangailangan ng reserbasyon)
- Thai, Nepali, Indonesian, Espanyol, Kareano, Tagalog, Portugese, Vietnamese, Ukrainian , Russian
- Martes ~Sabado alas 9:00 ~ 5:15 ng hapon (gagamitin ang serbisyo ng panlabas na taga-salin)