HOMEFIAImpormasyong pangkabuhayan para sa mga foreignersJapanese ClassesKonektadong inpormasyon sa napakalakas na lindol na naganap sa silangang parte ng JapanDisaster Prevention

Ang mga gabay sa pakiki-panayam ng 「MAGKA-ISA Fukushima」 

 Sa「Magka-isa Fukushima」ang 「Tinig ng mga dayuhang namumuhay dito sa Fukushima」at ang 「mga pag-tulong ng mga dayuhang naninirahan dito sa Fukushima」na pinagsamang artikulo ay isinusulat para ipinakikilala dito.
 ※Ang pangalan at tirahan ng taong nakatala ang siyang nakasulat sa panahon ng pakikipanayam.

にほんご/Hapon   English/Ingles   中文/Intsik
  Tagalog   Portuges/Português   Koreano/한국어


No.84  Katherine Goto (Nang maganap ang sakuna ay nakatira sa Fukushima, ngayon ay sa Osaka naninirahan. Mula Pilipinas/Taon 2016 buwan ng Pebrero)


 Matapos maganap ang lindol ay nakatanggap ako ng sunod-sunod na tawag sa aking cellphone buhat sa aking mga kababayang Pilipino na naninirahan dito sa lahat ng bahagi ng prepektura. Upang magbigay ng impormasyon tungkol sa oras ng buses at lipad ng eroplano para sa paglikas. Ng mga panahong iyon ay napakaraming paghihirap ang naranasan, ngunit ng makatanggap ako ng papuri galing sa Embahada ng Pilipinas ay noon ko pa lang naramdaman na napakalaki pala ng naitulong ako sa aking mga kababayan. Dahilan sa aking trabaho, noong tagsibol ng taon ng 2014 lumipat ako ng Osaka at nag umpisang magtrabaho sa isang accounting office. Nagtratrabaho pa rin ako bilang isang interpreter at bilang isang life consultant. Nakakatanggap din ako ng request galing sa eskuwelahan at mga gobyernong lokal para pagturo dito. Ito ay sa dahilang naranasan ko ang naganap na malakas na lindol at marami akong impormasyong alam tungkol dito na naipalalaganap kaya nais kung magpatuloy sa gawain kung ito hanggang sa hinaharap.


No.83  Reiko Tetsuka (kasalukuyang naninirahan sa fukushima. Mula Tsina/Taon 2016 buwan ng Pebrero)


 Matapos na maranasan ang naganap na napakalakas na lindol ay napagisip-isip ko kung ano ba ang dapat kung gawin para sa fukushima at kung ano ang maitutulong ko para sa ganitong sitwasyon. Matapos ang isang taon ay nagsimula akong magnegosyo.Ang pinakapangunahing trabaho namin ay pagsasalin at pag iinterpreta ng wika, sinusuportahan din namin mga pangunahing negosyong ginagawa sa Tsina, at sinusuportahan namin ang mga dayuhang naninirahan dito sa pakikisalamuha sa lipunan. Paunti- unti ay lumalago ang aming negosyo. Kamakailan lamang ay pinangalanan namin ito ng “Fukushima Restoration Project” at nagpaumpisa ng trabaho sa turismo para sa prepektura. Ipinakilala din namin ang Fukushima sa mga mamamasyal ng Tsina. Magbuhat ngayon palagi nating itanim sa ating utak na “palaging sumubok sa makabagong bagay” at magpatuloy na magsumikap para sa hinaharap.


No.82  Alison Lam (Galing Australia,naninirahan ngayon sa lunsod ng Fukushima/Taon 2015 buwan ng Nobyembre)


 Noong taon ng 2011 araw ng tag-init ako ay naging isang ALT(Assistant Language Teacher) at kasalukuyang nagtuturo sa elementarya at juniour high school dito sa lunsod.Noong kadarating ko lang dito sa Hapon ay natama namang katatapos lang ng malakas na lindol at sa kaibahan ng kultura sa pamumuhay ay nakaramdam ako ng kaunting kalungkutan. Ngunit dahil sa mabagal na pagtakbo ng oras dito sa Fukushima ay naramdaman ko na nababagay sa akin ang atmospera at ngayon ay komportable akong na mumuhay dito. Ako ay walang masyadong karunugan kung papaano humarap kapagka naganap ang natural na sakuna kumpara sa ibang mga dayuhan na nasa paligid ko. Halimbawa ay nang umulan ng malakas noong nakaraang araw, kahit na may impormasyon na na mag ebakuwet ay balewala lang sa akin at hindi man ako nag aalala. Kung saka sakaling mag karoon man ng di inaasahang pang yayari ay gusto kung matanggap ang tamang impormasyon at gumalaw sa mapayapang pamamaraan.


No.81  Mudathir Bakhit (Galing Sudan, naninirahan ngayon sa lunsod ng Fukushima/Taon 2015 buwan ng Nobyembre)


 Ako ay dumating dito sa Fukushima noong nakaraang Septyembre 2015, at ngayon ay nagtratrabaho sa Fukushima Prepektural Medical School bilang isang interno ng mediko. Wala naman akong pinag-aalala sa aking pamumuhay dito sa Fukushima maging sa pang-araw araw kung trabaho para sa kinabukasan.Sa pinagtratrabahuan ko ay wikang Ingles ang ginagamit na salita, kaya di ako nahihirapang makipag-usap. Ngunit sa pang araw araw kung pamumuhay nararamdaman ko ang kahalagahan ng iba na iyong marunong ka ng wikang Hapon. Mag buhat ngayon, ako ay kinakailang magtrabaho dito sa Hapon ng mga kulang kulang sampung (10) taon, upang makisalamuha ako sa mga mamamayang Hapon ay pumasok ako ng Japanese lesson linggo-lingo.


No.80  Li Liyan (galing Tsina at kasalukuyang nakatira sa Koriyama/Taon 2015 buwan ng Nobyembre)


 Noong Marso 2015 ay inumpisahan kong itayo ang Grupo ng Pakikipag ugnayan sa Kultura ng Tsina-Hapones(Koufuku). Ang mga nagsidalo ay may mga lahing Intsik na may kagustuhang matuto at makipag palitan ng impormasyon tungkol sa kultura ng Intsik at Hapon. Ito ay inilunsad upang maturuan ang mga kabataan ng sariling wika(Intsik), maturuan din ng yoga at mga Intsik na sayaw at upang mag karoon ng malawak na kaalaman sa isa’t- isa bilang isang mamamayan. Ako mismo noong una kung dating dito sa Hapon at ng maranasan ko ang napakalakas na lindol, nag nais ako na sana ay may makatulong man lang sa akin, ngunit hindi ko alam kung saan ako dapat tumakbo at kung papaano ako manghihingi ng tulong. At dahil sa naranasan ko ang ganito napag isipan ko na gumawa ng paraan para doon sa mga taong nangangailangan ng tulong, lalong-lalo na sa mga dayuhan para mabawasan man lang ang hirap na dinaranas nila sa kanilang pakikibaka sa pamumuhay nila sa ibang bansa. Mula sa aking puso, gusto kung makatulong sa paglikha ng isang lupain na kung saan ang bawat mamamayan ay nagtutulugan sa isa’t – isa upang mabuhay na puspos at may kabuluhan sa araw araw na pamumuhay.


No.79  Reika Goto (nakatira sa lunsod ng Fukushima, galing Intsik/Taon 2015 buwan ng Hunyo)


 Noong Mayo, tinuruan ko ang mga dayuhan at ang mga Hapones kung papaano mamuhay ng magkatuwang dito sa bansang Hapon. Sinabi ko sa tagapag lingkod ko na kung ako man ay manirahan sa bansang Hapon, ako ay nararapat na mag-aral ng kanilang wika para makisalamuha at makibagay sa aking pamilya at mga kaibigan at higit sa lahat ay para magabayan ko ang pag palaki at ang edukasyon ng aking mga anak. Dahil para sa akin kung hindi ako makikisalamuha at makikipag-usap, ang pang araw-araw kong pamumuhay ay magiging madilim at malungkot.
 Ako ay hindi masyadong magaling sa pag- iipon ng mga impormasyon kaya ng maganap ang malakas na lindol ako ay nahirapang umintindi ng tamang impormasyon.Ngayon dahil sa gumagamit ako ng iba’t-ibang SNS tulad ng Line at Wechat madali na akong maka tanggap ng balita buhat sa aking nga Intsik na kaibigan,kaya kahit kaunti ay nabawasan ang alalahanin ko sa pang araw-araw kung pamumuhay.


No.78  Faisal Budi Armansyah (nakatira sa lungsod ng Fukushima, galing Indonesia/Taon 2015 buwan ng Hunyo)


 Noong Nobyembre taong 2012, dumating ako dito sa Fukushima bilang isang mag sasanay sa kakayahan ng tekniko. Ngayong taon ng taglagas ako ay mag tatatlong taon na ditong naninirahan sa fukushima, at nagtratrabaho bilang mekaniko at pinag-aaralan kong papaano mag welding. Noong taon ng 2004 naranasan ko ang lindol na naganap sa Sumatra-Andaman. Ng oras na iyon ako,ang aking pamilya, at ang aking paaralang pinapasukan ay hindi naman nasalanta ngunit ang takot at pangamba kong kalian darating ang sakuna ay hindi maalis sa aking isipan kaya natutunan ko kung ano ano ang dapat gawin at kung papaano ang dapat gawain kung sakali mang dumating ang hindi inaasahang kalamidad.
 Sa aking pagtira dito sa Fukushima, ilang beses akong nakaranas ng malalakas na lidol, at sa tuwing makararanas ako nito ay mahinahin akong nagdedesisyon kung saang pinakamalapit na evacuation center ako dapat pumumnta at ang pinaka magandang paraan para protektahan ko ang aking sarili. At maliban dito, tuwing makakaranas ng sakuna ay naisaulo ko na rin ang mga makatutulong na mga katanungan sa wikang hapon upang sakali mang ako ay mag tanong makatanggap ako ng tamang kasagutan at impormasyon.


No.77  Maricel Sasaki (galing Pilipinas, nakatira sa lunsod ng Fukushima/Taon 2015 buwan ng Hunyo)


 Ako po ay may anak na babae sa high school, anak na lalaki sa jr. high school, at anak na lalaki sa elementarya. Ang bawat isa ay magkaka-iba ng iskedyul pati na rin ako dahil nagtratrabaho kaya abala kaming nakikibaka sa pang araw-araw namimg pamumuhay. Dumating kami dito sa Hapon ng matapos ang sakunang naganap kaya wala kaming kaalaman tungkol sa malakas na lindol at sa aksidenteng nangyari sa planta ng nukleyar.Ngunit kahit na ganoon ay palagi kung isinasauna ang pag iingat para sa kalusugan ng aking mga anak. At tuwing wala kong trabaho ginagawa kong sumali sa mga aktibidadis para sa mga dayuhang naninirahan dito sa Hapon. Sa pamamagitan ng pakikisalamuha sa kanila ay marami akong natututunan tungkol sa mga bagay bagay kung papaano ang mamuhay ng maayos dito sa Hapon.


No.76  Mirasol Suzuki (Pilipina na sakalukuyang nakatira sa Iwaki/Taon 2015 buwan ng Pebrero)


 Matapos maganap ang malakas na lindol, pansamantala kaming nanirahan sa bahay ng biyanan ko sa Koriyama at sa Prepektura ng Wakayama kung saan naman nakatira ang ate ko, ngunit bumalik din kami sa Iwaki at hanggang ngayon ay dito kami nakatira. Dalawang taon na ang nakalilipas ng ipinanganak ko ang pangalawa kong anak na lalaki at binuhos ko ang aking panahon sa pag-aalaga sa mga anak ko. Ngayon ay nagtratrabaho ako sa eskuwelahan ng pakikipanayam sa wikang Ingles kaya mapanatag naman ang pamumuhay ko. Ang mga pansamantalang nanirahan sa malayong lugar ng maganap ang malakas na lindol ay nag sibalik narin, at sa ngayon ay maraming mga Pilipinang naninirahan dito sa Iwaki. Ngunit kahit na marami kaming mga magkababayan dito ay magkakaiba naman ng lalawigan, generasyon at kinalakihang kapaligiran kaya’t maraming iba’t-ibang samahan ng komunidad ang naitatayo,gayon paman ay nais kong mag kasundo-sundo, mag-kaisa at magtulong- tulungan.


No.75  Ketsu Go ( Mongolian at kasalukuyang nakatira sa lunsod ng Fukushima/Taon 2015 buwan ng Pebrero)


 Pumunta ako dito sa bansang Hapon noong taon ng 2010 at nag-aral ng wikang Hapon sa iba’t-ibang paaralan at Unibersidad sa Tokyo,ako ay nakapasa at natanggap sa Unibersidad ng Fukushima noong nakaraaang taon ng tag-sibol. Pinili ko ang Unibersidad ng Fukushima hindi dahil sa narito nag medyor na dapat kung kuhain at pag-aralan kundi dahil sa kahawig ng Fukushima ang Mongolia. At nalaman ko ito ng pumunta ako dito sa Fukushima bilang isang bolunterya matapos maganap ang malakas na lindol. Ang kurso ng pamamahala ang kinukuha ko sa Unibersidad ng Fukushima at marami narin akong naging oportunidad na makipag-ugnayan sa ilang mga lokal na kumpanya. Bilang pag tanaw na utang na loob at pag- galang sa kanila ay nais kong mag trabaho dito sa Fukushima pag ako ay nakatapos sa pag-aaral.


No.74  Thapa Binita (galing Nepal at kasalukuyang naninirahan sa lunsod ng Fukushima/Taon 2015 buwan ng Pebrero)


 Simula noong nakaraang taon ng tag-sibol ako ay nag-umpisang mag- aral ng wikang Hapon sa Akademya ng wikang Hapon Fukushima. Ang pinaka memorableng saglit na naganap sa aking pag- tira dito sa Fukushima ay ang pag bisita sa Soma at Iwaki para makita ang dagat. Ito ang kauna-unahan pagkakataon ko na makita ang dagat. Sa larawan o sa telebisyon ko lang nakikita ang dagat, kaya hindi ko napigil ang sarili ko pati na ng mga kaibigan ko na mapalundag sa tuwa. Ngunit ng malaman naming ang Fukushima ay pininsala ng tsunami ako ay nagpasyang mag karoon ng kusang kaalaman sa kapahamakan.
 Ngayong taon ng tagsibol ay aakyat ako sa mataas na baitang sa eskuwelahan na ang magiging kahulugan ay magiging mahirap na din ang mga nilalaman ng wikang aking dapat pag-aralan ngunit masigla akong magsusumikap at gagawin ko ang lahat ng aking makakayahan sa aking pag-aaral upang makamtan ko ang tiwasay na pamumuhay sa aking kinabukasan bilang isang turismo sa bansang Hapon.


No.73  Karuka Nancy Sachi (ipinanganak sa Brasil na kasalukuyang naninirahan sa Aizuwakamatsu/Taon 2014 buwan ng Nobyembre)


 Ang ama ko ay ipinanganak sa Futaba machi, ang lolo ko at lola sa parte ng aking ina ay ipinanganak sa lunsod ng Motomiya (na ngayon ay nabago na, hindi na lunsod kundi bayan ng Motomiya). Noong aking kabataan ako ay sumali sa Samahan ng Brazil at Fukushima na ang pinagmulan ay parehong prefektura.Kaya ng maganap ang napakalakas na lindol sa Hilagang parte ng Hapon nakaramdam ako ng kalungkutan.
 Inumpisahan nanaman ngayong taon ang pagtanggap sa mga dayuhang estudyante na sagot ng Prefektura ng Fukushima ang mga kagastusan. Ako ay nakapasa at ngayon ay nag-aaral sa Unibesidad ng Aizu bilang estudyante ng graphic design. At ikinagagalak ko na makapasa sa napakasuwerteng oportunidad na ito dahil makapag- aaral ako ng gusto kong pag-aralan sa prefektura ng Fukushima at makikita ko pati ang kalagayan ngayon ng Fukushima.


No.72  Saibuyan Odobayaru (Ipinanganak sa Mongol na ngayon ay nakatira sa lunsod ng Fukushima/Taon 2014 buwan ng Nobyembre)


 Ako ay nag-enroll sa Unibersidad ng Fukushima noong taon ng 2011 tagsibol matapos maganap ang malakas na lindol. At sa susunod na taon ng tagsibol ay may plano akong pumasok sa postgraduate school. Maliban sa pag-aaral ko sa Unibersidad ng pangangasiwa sa negosyo nag-enroll din ako programa para sa entrepeneur upbringing at ng pagtretraining sa Amerika.Para matutunan ko ang pasikot-sikot kung papano ang magnegosyo dahil balak kong magtayo ng sarili kong negosyo sa hinaharap.
 Noong nakaraang araw ay lumahok ako sa "Paliksahan para sa mga estudyante sa buong bansa ng Hapon para sa pagtatanghal sa Englis " na ang tema ay "Pabilisin ang Pagbangon sa Malaking Pinsalang Nagawa ng Lindol"na siya kong tinalumpati. Sa aking paniniwala ang kinakailangang pag-aralan ng susunod na henerasyon ay ang pagiging matatag. Tulad ko rin na dapat ay matuto sa mga karanasang dinanas habang lumalaki.


No.71  Sawagami Chan (Ipinanganak sa Vietnam at kasalukuyang nakatira sa lunsod ng Koriyama/Taon 2014 buwan ng Nobyembre)


 Ako ay dumating dito sa bansang Hapon noong taon ng 2007, katulong ang aking pamilya nag-negosyo kami ng restawran sa lunsod ng Koriyama. Nanagiba ng maganap ang mapakalakas na lindol, ngunit ipinagawa ko ito at paunti-unti ay nagsisibalik na ang mga dati kong mga kostumer. Sa aking restawran maliban sa mga trabahador kong Vietnamese may mga dayuhan parin akong trabahador na nahihirapan sa pag intindi sa salitang Hapon kaya karaniwan na sa amin ang magtulugan at ito ay aming pinahahalagahan.
 Kamakailang taon dito sa Prefektura ng Fukushima ay dumarami na rin ang mga technical intern trainee and trainees ng Vietnamese. Binibigyan ko sila ng mga impormasyon tungkol sa pamumuhay dito sa bansang Hapon. Ginagabayan at pinapayuhan ko kung ano man ang kanilang mga suliranin at balak ko silang tulungan sa abot ng aking makakaya.


No.70  Baz Muhammad (kasalukuyang nakatira dito sa Fukushima galing Pakistan/Taon 2014 buwan ng Oktubre)


  Labing dalawang taon na ang nakalilipas ng ako ay tumira dito sa Fukushima. Nag tratrabaho ako sa kompanyang mangangalakal ng sekondamanong sasakyan na ipinadadala sa ibang lupain. Kamakailan lamang ay nag-umpisa akong magbenta ng mga audio at mga nabigasyon ng sasakyan. Dahil sa sobrang pagka-abala ko sa trabaho ay wala akong oras magpahinga,ngunit kahit na masyadong abala sa kasalukuyan ako at ang aking pamilya ay mapayapang nakapamumuhay ang higit sa lahat kung kaligayahan. Dati-rati namuhay ako na palaging ang malan ng isip ko ay “habang nabubuhay dito sa mundo ay maraming suliranin”, ngunit sa tulong at suporta ng mga kapitbahay at mga taong nakapaligid sa akin naabot ko ang kinatatayuan ko ngayon at nagpapasalamat ako ng malaki sa kanila.


No.69  Emma Wilson(kasalukuyang nakatira sa bayan ng Kawamata galing England/Taon 2014 buwan ng Oktubre)


  Buhat noong taon ng 2010 buwan ng Septyembre ay sumali para sa isang taong programa ng palitang estudyante sa Unibersidad ng lunsod ng Hiroshima . Nang panahon ng bakasyon para sa tag-sibol ay pumunta ako ng Tokyo para mamasyal at doon ko naengkuwetro ang naganap nanapakalakas na lindol sa Silangang parte ng Hapon. Ang naidulot na sindak ng araw na iyon ay hinding-hindi ko makakalimutan habang ako ay nabubuhay.Ngayong taon buwan ng Agosto, nag-umpisa akong magturo ng Englis bilang isang ALT sa elementaryang paaralan at junior high school sa bayan ng Kawamata .Sa kolehiyo ako ay nag-aral bilang isang dalubhasang linguwista, at sa trabaho ko ngayon bilang isang ALT pakiramdam ko ay malaki ang maitutulong nito sa akin para matutunan ko ang mga kawili-wiling bagay sa wikang Hapones at hinihiling ko na sa hinaharap ay magamit ko ang wikang Hapon sa aking trabaho.


No.68  William Patrick Timms(kasalukuyang nakatira sa bayan ng Yamatsuri, galing sa England/Taon 2014 buwan ng Oktubre)


 Dumating ako dito sa Hapon noong nakaraang taon (2013) ng tagsibol at kasalukuyang naninirahan sa Yamatsuri. Bago pa ako pumunta dito ay alam kong maraming kaibahan sa aking bansa ang kultura at pamumuhay dito, ngunit nang matira na ako ay marami akong makabagong bagay na natutunan. Sa pamamagitan ng facebook ng kaibigan ko ay nalaman ko ang tungkol sa programang inilunasad ng FIA na 「Isang Pandaig-digang Proyekto」at ako ay meyembro na nang nabanggit na proyekto.


No.67  Williakiston Rekrit (galing Thailand na kasalukuyang naninirahan sa Fukushima/Taon 2014 buwan ng Mayo)


 Makalipas ang isa at kalahating taon ng paninirahan niya dito sa Japan noong taon ng 2011 buwan ng Abril, nag enroll siya sa high school dito sa lunsod ng Fukushima. Noong umpisa ay alangan siya sa pakikisalamuha sa kapwa, desprado kung makasusunod ba siya sa leksyon sa eskwulahan dahil wikang Hapon ang gamit, ngunit sa tulong ng mga mabubuti niyang naging kaibigan natapos niya ang tatlong taong pag-aaral sa high school.Ngayong taon ng Abril ay nakapasok siya sa trabaho, panibagong pakikisalamuha at pakikisama araw-araw. Dati-rati kapagka may problemang darating ay umiiwas siya palagi o tinatakbuhan niya ito. Ngunit sa naranasan niya noong maganap ang sakuna ng lindol at tsunami natutunan niya na kahit ano ang mangyari kailangang harapin mo ang mga suliranin at dapat lutasin para makarating sa hinaharap. Para sa mga kabataang nakararanas na tulad ng aking naranasan, nais kung makapagpayo sa kanila at gawing basihan ang aking naging mga karanasan na sana ay makatulong sa kanila.


No.66  Mitani Maria (isang Pilipina na kasalukuyang naninirahan sa lunsod ng Fukushima/Taon 2014 buwan ng Mayo)


 Simula ngayong taon ng tag-sibol(spring) nag-umpisang mamasukan bilang isang tagapayo sa wikang Pilipino sa Fukushima International Association. Mahigit dalawampung taon na siyang naninirahan dito sa Fukushima, kaya kapag siya ay uuwi sa sinilangan niyang bansa (Pilipinas) pakiramdam niya ay para siyang dahuyan dahil sa napakaraming pagbabagong nagaganap dito. Nag nanais siyang makasagot sa malumanay na pananalita at makatulong sa mga pangangailangan ng mga kababayan niyang nangangailangan ng tulong. Sa naganap na sakuna naging nerbyosa siya sa lahat ng bagay, ngunit sa tulong ng mga kaibigan, kababayan, at pamilya paun-unti ay nabago ang pananaw niya sa buhay. Ngayon araw-araw ay abala siya sa trabaho, gawaing bahay, at pag-aasikaso sa mga anak, ngunit sa kabila ng lahat nakuha parin niyang magkaroon ng kapayapaan sa sarili at natutunan niyang enjoyin ang pagiging abala sa lahat ng bagay.


No.65  Won Chang Sob (isang Koreano na kasalukuyang naninirahan sa lunsod ng Fukushima/Taon 2014 buwan ng Mayo)


 Taon ng 2006 summer estudyante pa siya sa high school, naranasan niyang manirahan ng isang buwan dito sa Fukushima. Sa kaniyang paninirahan dito maganda ang naging impresyon niyang sa tinuluyan niyang pamilya at sa mga taong nakilala niya na pinakisamahan siya at inasikaso ng mabuti. Kaya ng umuwi siya sa kaniyang bansa ay ninais niyang makapag-aral at makapag-trabaho dito sa Japan. Binalak niyang mag-enroll sa Japan at hindi sinasadyang sa Unibersidad ng Fukushima siya nakapasok na ikinagalak niya ng lubos.Dahil sa military service dalawang taon siyang namahinga sa pag-aaral, ngunit ngayong taon buwan ng Abril ay nakabalik na muli siya sa Unibersidad. Nagsimula muli ang pamumuhay niya sa Japan, ang wika, ang kultura at ang kaugalian kung saan marami siyang natutunan at sa tulong nito ay napapansin niya ang kaniyang kakulangan at natutunan din niya na napakahalaga ng patuloy na pagsusumikap at ang pagkakaroon ng ambisyon sa buhay.


No.64  Corazon Lason Noriko (Filipina na nakatira sa Lunsod ng Fukushima/Taon 2014 buwan ng Mayo)


 Ako po ay nagtratrabaho sa Paaralan ng English Conversation dito sa Fukushima na halos magdadalawampung taon na. Sa umpisa ay ibinuhos ko ang panahon ko sa pagtuturo ng Englis sa aking mga estudyante, ngunit habang ang panahon ay lumilipas, nag-umpisa akong dumalo sa mga panlipunang pagtitipon-tipon. At lumahok din ako sa pag tatayo ng paaralang pang elemetaryo sa aking bansa.
 Nang ako po ay dumating dito sa Fukushima kakaunti pa lang ang mga banyagang naninirahan kung kaya’t ako ay nahirapang makisalamuha sa mga Hapones lalong lalo nasa salita at sa uri ng pamumuhay na ibang iba sa aking sinilangang bansa. Marami akong mga kababayan dito sa Fukushima na nang hihingi ng payo at kung ano ang aking naranasan noong ako ay baguhan palang din dito at kung ano ang mga natutunan ko ang siya kong ipinapayo sa kanila ngayon.
 Ang motto ko ay huwag bigkasin ang salitang “mahirap” , magkaroon ng pangarap at pag –asa na may kasamang ngiti sa pang –araw araw na pamumuhay. Ang nangyaring sakuna noong nakaraang Marso 11 taong 2011 ay kabigla-bigla para sa akin. Ngunit araw-araw akong nag darasal at puro mga pasitibong bagay lang ang sa aking iniisip ngayon.


No.63  Rei Washio (Ipinanganak sa Tsina, babae. Nakatira ngayon sa Lunsod ng Koriyama/Taon 2014 buwan ng Marso)

 Dahil sa ako ay nakatira sa baranggay ng Kawauchi, kasama ang aking asawa at mga anak kami ay lumikas at pumunta sa lunsod ng Koriyama. Ngunit dahil sa malayo ang pinagtratrabahuan ng asawa ko sa Koriyama, siya ay namumuhay mag-isa ngayon sa malapit sa pinagtratrabahuan niya. Habang ako at ang tatlo naming anak ay magkakasamang naninirahan na may pag-aalinlangan at hindi pa rin masanay sa pamumuhay sa Koriyama.Nagnanais ako na makapasok sa full-time na trabaho sa lalong madaling panahon.Ngunit hanggang ngayon ay naliligalig parin ako dahil hindi ko pa mabalanse ang pamumuhay ko dito at ang trabaho.Kaya lang mag-buhat ng manirahan kami dito sa Koriyama, marami akong nakilalang mga magulang ng kaklase ng aking anak.Natutunan ko ang pagpapanatili ng magandang relasyon sa kapwa at ang pagtutulungan sa isa’t-isa ay napakaimportante bahagi sa pakikibagay. At malaking pasasalamat sa mga tumulong sa akin at hinahangad ko na mapanatili ang magandang relasyon namin na magpatuloy hanggang sa hinaharap.


No.62  Bat-erdene Lkham-Yanjin(Ipinanganak sa Mongolia, babae, nakatira ngayon sa lunsod ng Fukushima/Taon 2014 buwan ng Pebrero)

 Pagkaraan ng nakalakas na lindol noong taon ng 2011, ako ay nagpatala na maging estudyante sa Unibersidad ng Fukushima. Nang taong iyon ay pito lang kaming nga estudyante na sumali sa programang exchange student. Nag-umpisa ang buhay estudyante ko sa Unibersidad na puno ang pag-aalala. Ngunit dahil sa natulungan ako ng kababayan kong estaudyante din dito at pareho ang pinagtapusan naming iskuwelahan sa aming bansa noong high school paunti-unti ay nasanay din ako.At isa pang nakatulong sa akin ay ang pagsali ko sa boluntaryang pag bisita sa mga pansamantalang tirahan ng mga nagsilikas.
 Ngayon tumutulong ako sa FIA para ipakilala sa maraming tao ang bansang aking sinilangan,Mongolia. At sa tulong nito ay mas higit kung nakilala ang aking bansa. Isang taon na lang at matatapos na ang pag-aaral ko sa Unibersidad ng Fukushima. At inaasahan kong magawa at maipagpatuloy na makabuluhan ang mga gawaing dapat kung gawin sa natitira ko pang mga araw.


No.61  Juliet Tanno(Ipinanganak sa Pilipinas, babae at nakatira ngayon sa lunsod ng Iwaki/Taon 2014 buwan ng Marso)

 Nang makaraan ang napakalakas na lindol na naganap sa Silangang bahagi ng Hapon, ang maliit na samahan ng mga naninirahang Filipino sa Iwaki ay nagtatag ng malaking grupo na tinawag na Komunidad ng Iwaki-Filipino. Sa ngayon ay may singkuenta-kataong(50) miyembro at buwan buwan ay nag-lulunsad sila ng pagpupulong. Nagpapalitan sila ng mga kuro-kuro at iba’t-ibang impormasyon para mapagyaman ang karunungan sa paninirahan at pamumuhay sa Hapon.
 Kamakailan ang Iwaki Community Center ay naglunsad ng English workshops para sa mga nasa ika-lima at ika- anim na grado ng elementarya. Bagama’t ang kakayahan ng bawat isa ay maliit, pag ito ay pinagsama-sama at nagtulong-tulungan masisiguro nating isang matatag at malakas na samahan ang mabubuo nito. Inaasahan ko na sana ay magpatuloy ang ganitong mga aktibidad para sa hinaharap.


No.60  Panita Terada (Mula sa Thailand, naninirahan sa Koriyama/Taon 2013 buwan ng Nobyembre)

 Nang dahil sa kalamidad,nasara ang Thai restaurant nang mahabang panahon.Muli itong binuksan noong taglagas taon 2012.May mga kostumer na kanya kanyang backrounds. Mayroon akong mga kaibigan mula sa Koriyama at Shirakawa mula sa aming bansa ang minsan dumadalaw, at minsan ay nag papaalala sa akin tunkol sa mga nangyari noong may kalamidad.
 Masyado akong abala sa aking trabaho kaya walng oras sa aking sarili upang mag-enjoy.Kaya’t pag may oras akong magpunta sa Koriyama Bandai Atami hot spring,Lagi ako nakakaramadam ng mabuti at kapreskohan.Ito ang nararamdaman ko bilang mamayan ng Fukushima.


No.59  Lyn Okura(mula sa Pilipinas,naninirahan sa Fukushima/Taon 2013 buwan ng Disyembre)

 Makaraan ang kalamidad na dulot ng malaks na paglindol,nabuo ang grupo ng “Hawak Kamay” isa ako sa nagvolunteer at sumali sa grupong ito. Tuwing naalala ko ang bagyong kumitil ng maaraming buhay .Aking naramdaman ang sakit atlungkot. Higit rito, kami ay gumawa ng campaign para sa fund raising.Kami ay tumayo sa may station ng train upang mangolekta ng donasyon sa 2 magkasunod na araw. Noong nakaraang Nobyembre 30. Marami ang nagbigay ng simpatiya sa amin. Ako ay natutuwa sa mga tulong aming natatangap.Aking napagtanto na ang kahalagahan ng kooperasyon. Kami ay tumayo sa may station ng train upang mangolekta ng donasyon sa 2 magkasunod na araw. Noong nakaraang Nobyembre 30.Marami ang nagbigay ng simpatiya sa amin. Ako ay natutuwa sa mga tulong aming natatangap.Aking napagtanto na ang kahalagahan ng kooperasyon.


No.58  Min Shinyan (mula sa Tsina,naninirahan sa Fukushima/Taon 2013 buwan ng Disyembre)

 Binalak kong pumasok sa Fukushima University noong nakaraang Spring 2011. Ngunit sa nangyaring kalamidad, kailangan kong ipahuli ang pagpasok ko sa taong iyon.Noong taon, na iyon ako ay naglakap ng impormasyon hingil sa radiation at nakatulong upang malaman ko ang panganib nito, at ito rin ang nagbigay ng gaan sa aking loob sa paninirahan sa Fukushima. Ako ay naging presidente ng council ng mga exchange studen. Ako din ay lumahok sa mga kasiyahan naganap na piyesta ng kultura sa Fukushima International Ass. Bilang bisita sa Workshops sa Fukushima International Ass., nagkaroon ako ng oportunidad na ipakilala ang mga studyante ng Elelmentarya at Highschool ng kanilang kultura sa Tsina.Ako ay nagagalak dahil sa pakikinig ng mga studyante sa akin inilahad sa kanila.Kahit na 2 taon na lang ang aking ilalabi sa Fukushima. Ako ay nagagalak dahil sa pakikinig ng mga studyante sa akin inilahad sa kanila.Kahit na 2 taon na lang ang aking ilalabi sa Fukushima.Gusto kong palawakin ang aking kaalaman at dagdagan ang aking karanasan sa pagsali sa mga ganitong aktibidade at okasyon.


No.57  Keiko Kono (Mula sa Tsina, naninirahan sa Fukushima/Taon 2013 buwan ng Agosto)

 Sa aking pang araaw araw na pamumuhay Pinipilit kong magkaroon ng kapayapaan sa aking puso.Ngunit ng makalipas ang lindol nawala ang aking pagiging katiwasayan ,masyado ako naging sensitibo sa paglaki ng aking anak.Masuwerte ako at mayroon akong magandang kapaligiran ng trabaho at ang mga kasama ko ay nakikipagtulungan sa bawat isa;At natulungan din akong mag-isip ng positibo sa mga bagay bagay.Hindi lng pagiging maasahin sa mabuti,akin din napagaralan gumawa ng desisyon mula sa ibat ibang tao.
 Nang dahil sa sakuna sa planta ng nukleyar,marami pa ring problema sa Fukushima.Ngunit nais kong maging aktibo sa pagipon ng mga impormasyon at gumawa ng mga bagay na makakatulong sa pagbangon ng Fukushima.


No.56  Naoki Honda (mula sa Pilipinas, naninirahan sa Fukushima/Taon 2013 buwan ng Agosto)

 Sampung araw bago ang lindol nasunog ang aming bahay.Ako ay naninirahan sa malayo sa aming bayan nang maganap ang sakunang ito.Bukod dito ako ay nakahanap ng trabaho makalipas ang 2 buwan mula ng lumindol.ako ay may malungkot na alaala sa taong 2011.
 Kahit ngayon , ay masakit pa rin sa akin kung iisipin ang mga bagay na nakalipas.Pagkatapos ng aking konsulta sa mga Doktor ng ilang beses.Nagkaroon ako ng pagkakataon mag bukas ng sariling restaurant sa taong ito sa Fukushima.


No.55  Lu Ho (Pinanganak sa Tsina, nninirahan sa Fukushima/Taon 2013 buwan ng Hulyo)

 No momento do terremoto estava em casa, porque estava em férias de primavera da faculdade.Recebí um aviso do Consulado Geral da China de Niigata para refugiar. Não refugiei ao meu país, porque não poderia deixar o meu marido e a família dele. Para mim o importante era estar com a família do que temer a radioatividade. Quando cheguei no Japão há 10 anos atrás passei por dificuldades por não conseguir comunicar e acostumar a vida. Comparando a esta época e após a experiência do terremoto, acho que me tornei mais forte. Além disso, antes do terremoto não era tão atenciosa com as pessoas, mas mudei muito em fazer algo para o bem dos outros. No momento estou participando no programa 「Fukushima Global College 2013 」promovida pela Associação Internacional de Fukushima. Estou aprendendo muito juntamente com os colegas que preocupam com os problemas do futuro.
 Ngayon ay sumali ako sa [Fukushima Global Collage 2013]na pinamunuan ng FIA Marami akong nakuhang mga impormasyon hinggil sa darating na panahon.


No.54  Rei Shiga (mula sa Tsina,Babae nakatira sa Okuma at ng dahil sa lindol ay ngayon nakatira sa Aizu-Wakamatsu City/Taon 2013 buwan ng Mayo)

 Napilitan akong lumikas ng magkaron ng lindol sa Okuma town at sa kasalukuyan nakatira sa temporary housing sa Aizu-Wakamatsu.Masyado akong naguluhan ng ako ay naninirahan sa temporary housing sa mahabang panahon , at nabago ang aking buhay mula ng magkalindol.Mahirap ang makihalubilo sa mga naninirahan sa temporary housing.Naramddaman ko na kailangan kong tanggapin ang ibat ibang pagpapahalaga ng mga tao at ang pagpapalakas ng pakikisama sa bawat isa at pangahalagahan ang mga posibilidad na mga mangyayari. Nagbigay ang munisipyo sa bawat pamilya na naninirahan sa temporary housing ng Tablet upang magkaroon ng mga impormasyong bago mula sa Munisipyo.Maari din naming magamit ang internet upang tumawag at gumamit ng SMS sa tablet .Mayroon din akong smart phone .Kahit hindi ako sanay gumamit ng smart phone ginagawa ko ang aking makakaya.


No.53  Ammy Kawamura (mula sa Amerika, babae , Fukushima City/Taon 2013 buwan ng Mayo)

 Makalipas ang lindol lumikas kami ng aking anak sa bayan ng aking asawa sa Sakata Yamagatadahil kami ay nagaalala sa kalusugan ng aking anak.Kahit na may paunti unting lindol at kami ay nagaalala sa radiation ,nagdesisyon kaming pamilya nagmagsamasama kaya bumalik kami sa Fukushima nitong Marso.Bumalik ang aking anak sa kanyang eskuwelahan at nakita nya muli ang kanyang mga kaibigan.Siya ay masayang nakikipaglaro sa labas ng kanyang mga kaibigan.
 Pitong taon ng nakalipas, ng lumipat ako mula sa Narita Chiba sa Fukushima.Sinabi ng mga tao na ang “Fukushima ay puno ng kalikasan at pagakain ay masarap kaya magiging masaya ang pagtira dito.Ngunit, pagkatapos ng lindol nakaramdam ako ng malaking pagbabago sa pananaw sa Fukushima ng mga tao.Nagkakaaroon ng hindi pagkakaintindihan ang umiiral.Subalit , nararamdaman kong kailangan ipahayag ko sa mga tao na bumalik na ako sa Fukushima at nararamdaman kong nasa mabuti akong kalagayan sa pagtira muli dito.Nawa’y dumalaw muli ang mga turista sa Fukushima.


No.52  Adam Velin (mula sa Canada,lalake,Fukushima City/Taon 2013 buwan ng Mayo)

 Dumating ako sa Fukushima noong isang summer bilang isang Assistant Language Teacher (ALT).Bago pa man ako dumating ,ilan sa miyembro ng aking pamilya ay hindi masaya sa aking desisyon,ngunit naramdaman ko na wala akong dapat ikabahal dahil nakalipas ng isang taon mula sa sakuna, ng akoy dumating sa Fukushima.
 Nang ako ay dumating ,marami ako ng nakuhang impormasyon ukol sa disaster at nukleyar na aksidente.at natunghayan ko ang katapangan ng mga mamayan sa Fukushimana hindi sila nag-give up kahit ganoon ang pangyayari.Hangang sa isang taon ang kontrata ko bilang ALT , at nais kong makahanap ng maraming karanasan dito sa Fukushima.Aking itatagong malaking oputunidad ang makakilalang maraming tao , bumisita sa mga sikat na lugar sa loob ng Prefecture at mag enjoy sa kalikasan dito.


No.51  Cho Yonhi (mula sa Korea ,Lunsod ng Koriyama/Taon 2013 buwan ng Marso)

 Pagkalipas ng sakuna,ang mga naninirahang kaibigan kong dayuhan ay nagsiuwian at ang iba ay lumayo sa fukushima.
 Sa akin wala akong pagpipilian uuwi o lilisan ng lugar, sa kadahilanang ako ay mamayan ng Koriyama.Labing pitong taon na ako dito at napamahal na ang lugar na ito sa akin.
 Sa kasalukuyan , ako ay nagtuturo ng salitang Korea at lutong Korea sa Lungsod ng Koriyama at Yabuki community center.Napag-alaman ko din kung magpapakasigasig ang isang tao kailangan maging malakas ito upang mapunan ang nais gawin.Sa aking Mga estudyante na laging tumutulong at sumusuporta sa akin.
 Simula Abril, ako ay magbibigay ng bagong lectures sa eskuwelahan aking tinuturuan ng salitang Koreyano, ng panibagong semester ng Paaralan.


No.50  Chamila Larunatilake (lalake mula sa Sri-Lanka, naninirahan sa Aizu-Wakamatsu City/Taon 2013 buwan ng Pebrero)

 Bagaman hindi masyadong naapektuhan ng Great East Japan Earthquake, Ako ay nag-alala dahil hindi ko magamit ang aking telepono at ang aking internet ay disconnected ng panahon na iyon.Pagkatapos ng sakuna ako ay tumulong sa mga professor mulaa sa aking Unibersidadat mga kaibigan sa pag gawa ng boluntaryo.Ako ay namangha sa mga lugar na naapektuhan ng tsunami kung paanong ang mga lugar ay nawasak at ganoon rin na impressed sa pinakitang lakas ng mga Hapon sa krusiyal na panahong ito.Hindi ko ito makakalimutan.Aaking natunghayan ang kalakasan at sinsiredad ng mga Hapon. Sa aking karanasan ng sakuna, aking inumpisahan ang paggawa ng paghahambing sa normal na level ng radyasyon at sa level sa Fukushima..At ako din ay gumawa ng pananaliksik ukol sa apekto sa kalusugan ng radyasyon.Mas lalo kong naintindihan ang tungkol sa nukleyar at sa insidenteng naganap noon.Nagkaroon ako ng kaalaman ngayon tungkol dito.Nawala ang aking pangamba at alam kong nasa tama ang aking paghusga sa mga bagay bagay.
 Ang Aizu ang aking tahanan at ako ay naniniwala na na makakaraos ang Lungsod ng Fukushima sa sakuna.At nais kong ako ay naririto pa rin upang matunghayan ito. Ginoong Chamila Larunatilake (lalake mula sa Sri-Lanka, naninirahan sa Aizu-Wakamatsu City) Sa aking karanasan sa kalamidad, Aking pinalitan ang aking pag-iisip sa pag-aalala sa mga bagay bagay. Marami akong nakilalang mga dayuhan na estudyante noong ako ay nag aaral pa sa kolehiyo..Nais kong gamitin ang aking karanasan sa pagpapakilala ng kultura ng Hapon at pagpatuloy ang pag-aaral ng ibat ibang linguahe.Atsaka ako ay kumuha ng kurso bilang language teacher.at ganoon din nagbubulantaryo sa pagtuturo ng salitang hapon.Nais kong bigyan ng suporta sa abot nang aking makakaya ang mga dayuhan hindi lang sa salitang hapon.
 Aking magagamit ang aking mga natutunan at karanasan s ibat ibang okasyon,ako ay nakibahagi sa ibat ibang programa sa pagsasanay at international exchange event kung saan maari kong pag-aralan.Ngunit, ang aking napansin ay mahirap bumuo ng relasyon sa iba.Naniniwala ako na sa pagbuo ng samahan at magkaroon ng panatiling komunikasyon ay isang daan upang masuportahan at Lungsod ng Fukushima sa kanyang pagbangon.


No.49  Tameria Brent(Iwaki City/Taon 2013 buwan ng Pebrero)

 I've been living in Iwaki since September 2009. I was here before and after the disaster on March 11, 2011. I work at Iwaki Amity English School and I love my job, the teachers, and the children. It's truly a blessing working there. After the disaster, I went to Nasu, Tochigi for 3 weeks until the school reopened and my apartment was inspected for safety. I stayed with my church family from Global Mission Center and friends. It was hard because I was far away but great because I was with people who loved and cared for me and they cared for others.
 I love Iwaki!! I hope that I can stay here for a long time. The people here are wonderful! Throughout my time here, I have met so many people from around the world. Because of the disaster I have gain a larger family.


No.48  Jyao Yuihao(mula sa Tsina,naninirahan sa bayan ng Fukushima/Taon 2013 buwan ng Enero)

 Taon 2011 ng Mayo ng ako ay mag-aaral sa Unibersidad ng Fukushima.Ngunit bago pa ako pumunta ng Fukushima ay naganap ang East Japan tsunami at lindol na naging hadlang sa pagpunta ko ng Fukushima.Hindi umayon ang aking mga magulang at kaibigan sa pagpunta ko ng Fukushima.Hindi pa rin nagbago ang aking desisyon at nagpatuloy ako sa pagpunta dito.Pagkaraan ng isang taon napag-alaman ko na ako lang ang mula sa Tsina ang nag-aral dito sa Fukushima.
 Sa tingin ko ang magandang bagay sa Fukushima ay ang mga magaganda at natural na tanawin .Ganoon din ang malaberde at malinis na kapaligiran .Na akala ko ako ay nasa urban lugar ng Tsina na may parehong kapaligiran na malinis .Tuwing umaga ay aking tinatanaw ang bundok ng Azuma kung saan napupuno ng snow ang bundok.Nakakalungkot isipin at maraming tao ang nawalan ng interes sa ganda ng tanawin sa Fukushima. Na ito ay may magandang tanawin,malinis na hangin at masasarap na pagkain.Na wala ka ni anumang problema.


No.47  Jayne Nakata(babae pasamnatalang naniirahan sa Iwaki mula sa New Zealand/Taon 2013 buwan ng Enero)

 Kami ay nainiwalang ayos na ang lahat sa Iwaki at kahit isang taon na ang nakalipas ay nabawasan an gaming pangamba kahit na palaging suot ang aking running shoes.
 Oong nakaraang lingo aming ipinasyal an gaming 18buwan taong anak sa Aqua Marine .Siya ay tuwang tuwa Makita ng ibat ibang uri ng isda.Matagal ko ng gusto mamasyal sa Aqua Marine mul ng marinig kong nagbukas ito at ganoon din na kakaunti ang kanilang mga panauhin.
Noong umagang yon maaga kaming nagpunta at marami ng tao ang duamating.Kami ay tuwang tuwa sa nakita naming ibat ibang laman dagat.Napagandang tanawin sa lahat ng edad ang lugar na ito.

 Ako ay sampung taon ng naninirahan sa Iwaki .Pagkatapos ng kalamidad akala ko magmimistulang ghost town ang Iwaki .Ngunit ito ay taliwas dahil mag dadalawang taon na at maraming tao ang nais lumipat sa Iwaki at ang iba ay nasa waiting list para lumipat.Marami ang gustong lumipat sa Iwaki dahil malapit sa dati nilang tirahan at maganda ang klima.
At aki rin nalaman sa aking mga kaibigan na dumadami ang popolasyon ng Iwaki sa 20 libung tao.Aang lahat ng paupahan ay wala ng bakante.

 Marami rin bukas na trabaho sa Iwaki at marami rin ang nagpapatayo ng bahay.Kaya lang kami ay magkaka problema sa trapiko dahil sa dami ng tao at mahabang linya sa hospital.Nawa’y ang infrastructure ng Iwaki ay mapunuan ang dami ng populasyon.
 http://worldvillage.sblo.jp/article/61652022.html


No.46  Jaled Roger (mula sa Amerika,nakatira sa lungsod ng Sukagawa/Taon 2012 buwan ng Disyembre)

 Ako ay pitong taon ng nagtuturo bilang ALT dito sa Kagamishi. Nang mangyari ang lindol ako ay nasa mababang paaralan at aking tinulungan ang mga bata nagiiyakan upang lumikas. Ako rin ay nag- aalala baka magiba ang bahay, ngunit masuwerte pa rin at hndi kami nawalan ng kuryente at tubig kaya aming pinagamit sa mga kaibigan naming nagiba ang bahay at sa mga tumigil ang ilaw at tubig ay amin din pinagamit ng paliguan.
 Pagkatapos, may mga kaibigan akong banyaga ang lumikas pansamantala at pansamantalang umuwi ng kanilang bansa.Ang mga tao sa fukushima ay mababait at may maraming hot spring sa lugar na ito,bukud dito may mga ski resort pa silang mapapaglibngan. Kaya gusto nila ang Fukushima.Karamihan sa mga umuwi ay nagsibalik na. Marami sa aking kaibigan aang ayaw lumayo sa lugar na ito.
 Ako ay sumasali sa mga piyesta sa amin tulad ng Piyesta ng Shrine at pagbuhat ng omikoshi. Ganoon din sa mga camping ako ay lumalahok.Ako rin ay nakikipagkaibigan sa mga mamayan dito sa aming lugar. At ito lang nakaraan ako ay nakilahok sa mga bata sa pagtugtug ng drum at ganoon din sa lugar ng Kagamishi sa pag-laro ng softball. Parang mas masaya nagyon kesa noong panahon bago mag lindol.


No.45  Kazumi Inomata (mula sa Bansa ng Vietnam ng Aizu Misato Machi/Taon 2012 buwan ng Nobyembre)

 Ako ay naninirahan dito sa Aizu at mayroon akong maliit na restaurant kung saan lutong Vietnam ang aking inahain.
 Mula ng bata pa ako dumating dito sa Japan at halos 30taon na akong naninirahan sa Aizu.
 Kaya ako rin ang takbuhan ng mga naninirahang Vietnamese pagmay katanungan sila.
 Pagkatapos ng kalamidad ako ay nagluto ng mga lutong Vietnam at nagpakain sa mga evacuation center at hindi lng mga Vietnamese kahit ng mga galing sa Timog-silangan ng Asya ay akin rin nakaasalamuha at nagkaroon kami ng palitan ng kaalaman at kanila rin naibigan ang panlasa ng aking mga lutuin.


No.44  V.V. Eri Kanno(mula sa Paraguay,Argentina.lungsod ng Fukushima/Taon 2012 buwan ng Oktubre)

 Ang isang kadahilanan ng paglipat dito ng aking asawa ay nabighani sa kalikasan.
 Sa spring ay makikita natin ang bulaklak ng cherry bloosom .at sa summer nman ang berdeng berdeng taniman.Sa taniman naman ay animong ginto ang iyong makikita.At ganoon din ang tahimik na namumuti na winter.
 Kaya gustong gusto ko ang Fukushima.
 Ang kalungkutang dulot ng 311 na nakalipas na ng 1taon at walong buwan na ang nakakalipas.
 At unti unting nakikita ang ngiti sa mga mukha ng mamayan. 
 At minsang ako ay naglalakad sa Azuma Koen ay may nakita akong mag-iina na namumulot ng acorn upang ibigay sa kanilang ama.
 At ako ay nabigla ng ako din ay bigyan ng pinulot nila kahit hindi kami magkakilala.
 Ang mga ngiti ng magkapatid na nagpapaalala sa akin ,at sa kanilang binigay na acorn na aking pinatong sa lamesa ang nagpapaalala sa kabutihan ng dalawang magkapatid na ito.

 http://worldvillage.sblo.jp/article/60059123.html


No.43  Benjamas Sasa (mula sa bansa ng Thailand,lungsod ng Fukushima/Taon 2012 buwan ng Oktubre)

 Kami ay naninirahan dito ng aking pamilya 2 anak at ng aking asawa . Apat na taomn na kaming naninirahan dito ngunit ngayon lang namin naranasan ang ganoon kalakas na lindol.Nang mangyari ito kami ay paalis ng bahay noon. 
 Siguro kung nag-iisa lang ako ng panahon na iyon, ay laking pag-alala ngunit kami ay magkakasamang pamilya.Pakalipas ng kalamidad nanumbalik sa date at marami ang tumulong sa akin sa panahon kailangan ko ng makakausap at mapagtatanungan ng mga impormasyon.
 Nag-aalala rin ako sa radiation dahil sa pagsabog nito,madalas maraming inilalabas sa news ngunit sa mga hindi gaanong marunong mag salita nghapon ay nagiging pangamba.Kahit nag-aaral ako ng salitang hapon marami pa rin akong hindi alam na salita .Hindi lang pag-aaral pati pakikipag-usap sa ibat-iba ay aking ginagawa upang hindi mahirapan sa pamumuhay dito sa Fukushima.


No.42  Scott Aalgaard(Canada/Taon 2012 buwan ng Setyembre)

 Greetings, readers! My name is Scott Aalgaard.

 After serving as Coordinator for International Relations with the Fukushima International Association from 2001 to 2004, I returned to Canada to obtain a Master of Arts in Pacific & Asian Studies, and am currently carrying out research into Fukushima culture and social history as a doctoral student at the University of Chicago.

 This past September, I had the chance to visit Fukushima, which I continue to regard as my second home, for the first time in about two years.
 After reuniting with friends and loved ones, I spent several days traveling around the Prefecture, learning directly from residents across the region about what ‘recovery’ means to them, and about how they are grappling with this concept within the contexts of their own lives and realities.
 I even got the chance to sample delicious Fukushima fruit, direct from the farm! There are a great many issues yet to be addressed, to be sure, but I nonetheless sensed a great potential in the historical juncture at which Fukushima currently finds itself.

 I look forward to the opportunity to continue to learn from and share ideas with my friends in Fukushima, and to be able to play a positive role, however small, in the history that is yet to come.

 http://worldvillage.sblo.jp/article/59082527.html


No.41  Roun Socheata (mula sa Cambodia,taga Koriyama/Taon 2012 buwan ng Setyembre)

 Ako ay nagpunta sa Miharu herb garden .Ako ay mahilig sa bulaklak at iba’t ibang uri ng ng herb at gustong gusto kong umiinom ng tsaa mula sa herb.








No.40  Shiahid Sato (mula sa Pakistan,taga Timog bayan ng Soma/Taon 2012 buwan ng Setyembre)

 Taong 1987 ng ako ay nanirahan dito at 25 taon ng nakalipas, at kumuha na rin ako ng Japanese citizen.
 At naninirahan na rin bilang isang hapon.Pagkatapos ng kalamidad marami ang mga naninirahan dito sa Soma ang lumikas.Pati na ang mga estudyante ko sa Ingles ay nabawasan na rin.
 Dahilan dito ang tinanggihan kong pagbibusiness ng Ingles ay pinasok kona rin.
 Pinili ko ang pagpapatuloy na manirahan dito sa Soma.Kahit na tag gutom sa pamamagitan ng aking pagsisikap sa pagtatrabaho ay magiging tulong sa pagbabangon ng Kanluran Soma.
 Ngayon taon buwan ng Mayo ay dumating ang aking pamangkin mula sa Canada na naninilbihan sa isang lungsod doon at kanyang natunghayan ang aking pamumuhay.
 Ganoon din ang aking kapatid na lalake na dumating ng buwan ito na.
 Nais kong ipahiwatig sa 2 ito ang tunay na lagay ng Kanluran Soma sa Canada.


No.39  Sato Warapoon(mula sa Thailand babae,lungsod ng Koriyama/Taon 2012 buwan ng Agosto)


Ako ay nagtanim ng herb mula sa aming bansa at aking iniintay ang pagbunga nito.



No.38  Ayako Harada (mula sa bansa ng Brazil ,babae ,lungsod ng Fukushima/Taon 2012 buwan ng Hulyo)

 Noong maganap ang lindol ako ay bumibiyahe sa Lungsod ng Gifu at iniwan ko ang aking anak na highschool mag-isa sa bahay.Ako ay alalang alala sa aking anak na hindi ko mayakap o makita man lang.Sa kabutihang-palad nagpadala ng bus ang Embahada ng Brazil upang lumikas at sa pag-karaan ng isang linggo kami ay nagkasama sa Lungsod ng Shizouka.Sa ngayon na nanumbalik na sa normal ang buhay sa Fukushima siya ay masayang pumapasok sa eskuwela at ako naman patuloy sa aking trabaho.Nagdesisyon akong manatili dito sa Fukushima mamuhay.


No.37  Kathryn Goto (mula sa Pilipinas ,Lungsod ng Fukushima/Taon 2012 buwan ng Hulyo)

Nagkaroon ng pagtitipon noong Hulyo 8 na (≪ Minna IkiIki Festival at Pagsulong ng Hawak Kamay Fukushima o (HKF)na ginanap sa lungsod ng Fukushima.
 Nagkatipon tipon ang iba’t ibang banyaga ng kasalukuyang nakatira sa Lungsod ng Fukushima.
 At isa ring pagkakataon na magkatipon tipon at magpalitan ng inpormasyon.Marami rin mula sa ibang lugar na banyaga ang sumali sa pagtitipong ito.Nagpamalas din ng ibat-bang presentasyon at awit ganoon nagprepara ng mga pagkain.At naging masaya ang lahat ng mga dumalo dito.


No.36  Yamamoto Mika (mula sa Korea/Taon 2012 buwan ng Hulyo)

 LienAng Japan na tinatawag na bansa ng Lindol ay nakaranas ng may pinakalakas na lindol.Ganoon din ang problemang hinaharap sa nuclear power plant .Isang taon at apat na buwan ng nakakalipas mula ng maranasan ang bagay na hindi pa nararanasan.Sa araw araw na pamumuhay dito sa Lungsod ng Fukushima ang unang nakakagimbala sa akin ay ang epekto o kontaminado ng radiation na tinatawag na secuim.
 Karamihan ng mga pagkain dito ay galing sa ibang bansa ,ang ganitong pamumuhay ay nakaka stress .Alam kong hindi lang ako ang nakakaramdam nito.
 LienAng aking ginagawang libangan upang mawala ang aking stress ay nagtuturo ako ng aming wika at isinasama kosasa aking bansa ang mga studyante at pupunta kami sa iba’t ibang lugar sa aking bansa at sumasanghap ng masarap na hangin at kumakain ng masasarap na pagkain.Ganoon din nagpapamasahe ng aking buong katawan.Patuloy par in akong maninirahan dito sa lungsod ng Fukushima ,at ganitong uri ng pamumuhay ang alam kong nababagay sa akin.


No.35  Mark Smith (mula sa Ingglatera na naninirahan sa bayan ng Tomioka/Taon 2012 buwan ng Hunyo)

 Si Mark ay taga Tomioka na lumikas sa Aizuwakamatsu.Siya ay nagtuturo ng English, at isa sa mga pinagkikitaan nya ay ang pagtugtug ng electronic synthesizer sa mga live house.Sa lugar na maaring pagganapan ng mga palabas ay mas marami sa labas ng Lungsod tulad ng Tokyo at Hokkaido.Tulad sa darating na Hunyo na isa Aizuwakamatsu at 3 beses sa Hokaido ang aking gagawing konsiyerto.
 Wika ni Mark,kapag nasa entablado siya at tumutogtog ay ipinagmamalaki nya na siya ay mula sa lungsod ng Fukushima.Nang maganap ang kalamidad marami ang mga bagay na nangyari at ang mga bagay na ginagawa noong bago kalamidad na mga paglabas sa live house ay hindi pa rin nagbabago at gagawin ko ang mga bagay na nakaugalian ko.Na importante ang sarili ko at diyan ko masasabi na ito ay isang pasimula sa pagbabago ng Fukushima.
 Ang live na ginanap noong Marso ay mapapanood sa YouTube.

 http://www.youtube.com/watch?v=VPuBq0e5qWU&feature=channel


No.34  Hideko Hattori(mula sa Tsina,naninirahan sa bayan ng Nihonmatsu/Taon 2012 buwan ng Hunyo)

 Ang pagbabago makaraan ang kalamidad ay ang pagbaba ng trabaho,ako ay nagtatrabaho sa isang hot spring resort na 1 o 2 beses lang sa isang lingo .Ganoon din ang mga turista mula sa Tsina,Korea at Timog silangan ng Asia.
 Nitong Mayo nagsimula akong pumasok sa eskuwelahan upang kumuha ng credentials ng helper upang magtrabaho.At itinuloy ko rin ang pagtatanim sa aming bakuran na hindi ko nagawa noong isang taon,tulad ng patatas,mais,pipino at sitaw.
 Nagpasya akong manirahan dito.Kesa isipin ko nang isipin ang tungkol sa radiation na nagiging stress lamang hindi kona ito iniisip at nagpatuloy na lang manirahan tulad ng dati.


No.33  Seo Su Yeon(mula sa Korea naninirahan sa Fukushima City/Taon 2012 buwan ng Mayo)

 Kamakailan lamang ay uminit ng panahon kaya,nagagalak kaming maglakad ng aming alagang asong pinangalanan naming 「Saran」o Pag-ibig sa ating wika.
 Kung maglalakad ng mag-isa ay nakakalungkot ,pero kung kasama ang aming alagang asong si “saran”ay nakagawian naming maglakad araw-araw ng umaga.
 “Pag-ibig, ang paborito kung salita kaya kahit na lalake ang aming alagang aso ay “Pag-ibig”ang aking ipinangalan.Sa salitang iyon lang ay napakagandang pagmasdan at tuwing aking tinitingnan naglalakad ang aming alagang aso ay nakawilian namin ang paglalakad.




No.32  Renni Hoshi(Mula sa Indonesia ,naninirahan sa lungsod ng Fukushima/Taon 2012 buwan ng Mayo)

 Bago pa lang ang kalamidad ,ay nagtitipon paminsan ang mga kababayan kong naninirhan din dito sa Fukushima.
 At nagsasalo ng luto sa aming bansa. Ang iba ay mga trainees at ang iba naman ay mga nag-aaral bilang mga nurse at kung napili ay magtatrabaho dito sa Japan.
 At ang iba naman ay mga may asawang Hapon. Patuloy pa rin ang pagsasalong ito kahit pagkalipas ng kalamidad, may mga bagong dating dito mula sa aming bayan ang kasama sa mga pagtitipong ito na sa isang beses n pagtitipon ay napakarami ang dumadalo.
 Kailan lamang ay may natanggap kaming mga pamphlets mula sa FIA tungkol seminar sa nukleyar at aking binasa sa kanila at pinaliwanag ang kasalukuyang lagay at sila ay napalagay sa sitwasyon ng ukol sa nukleyar.
 Sa aking palagay, sa pagkatira ko dito sa Fukushima ng higit sa 20 taon ay nagging ina nila dito na kanilang nilalapitan kung meron silang hindi maintindihan at mga bagay na nais nilang ikonpronta sa akin.


No.31  Tran Doan Dung (naninirahan sa lungsod ng Fukushima,mula sa Vietnam/Taon 2012 buwan ng Abril)

 Nang mangyari ang kalamidad halos isang linggong walang tubig. Araw-araw kasama ko ang mga kapit- bahay sa pag-iigib ng tubig. karamihan ng mga kapit-bahay ko ay may edad na kaya mahirap ang mawalan ng tubig. Pagkaraan ng ilang araw ay nagkaroon ng pagkakataong makatawag sa aking Ina nasa aming lugar. Umiiyak ang aking ina at pinauuwi kami ngunit mayroon din akong pamilya ditto at trabaho. Hindi din ako agad nakauwi ng probinsya upang lumikas.
 Makaraan ang ilang buwan, aking ikinabahala ang planta ng nukleyar maraming mga gulay ang hindi maaring kainin noong mga panahong iyon. Ngunit sa ngayon ay nanumbalik na paunti- unti ang normal na pamumuhay.
 Para sa pagbabangon ng Fukushima aming tinatagayod ang mga produkto ng Fukushima,tulad ng gulay at prutas.
 Mga kababayan ko sa Fukushima ating tangkilikin ang produkto ng Fukushima at halina kayo muling dalawin ang magagandang tanawin.


No.30  Garal Ahamad (mula sa Ehipto, Fukushima city/Taon 2012 buwan ng Abril)

Ang litratong kuha noong Abril 28 sa lungsod ng Nihonmatsu ng “Shidare Sakura”.
Ngayon taon ko Lang natunghayan Ang cherry blossom at napakaganda pala nito lalong lalo na at nailawan Ito.ang cherry blossom ay namumulaklak.
Ang cherry blossom ay isang linggo Lang Ang itinatagal sa pamumulaklak nito.


No.29  Ishida Cecília (babae mula sa Brazil ,lungsod ng Fukushima/Taon 2012 buwan ng Abril)

 Maraming mga bundok ang pumapalibot sa lungsod ng Fukushima. At marami ring mga kalikasan na siyang nagbibigay kaligayahan tuwing sumasapit ang ibat ibang panahon.Kung ihahalintulad noong isang taong kalamidad ay patuloy pa rin, sumisibol ang pagpasok ng tagsibol. Ngayong taon ding ito ay ipapakita ang relos na gawa sa bulaklak na pakiramdam ko ay nagpapahayag na minu minuto at unti unting bumabangon ang mamayan ng Fukushima.At ang mga taong nais maghanami ay muling nakaramdam ng kaligayahan at pagsisikap.


No.28  Shirosaka Ai(Wang Hong Wei) (mula Tsina,babae Sukugawa/Taon 2012 buwan ng Abril)

 Ako ay may dalawang anak na papasok na sa Elementarya. Pagkatapos ng lindol, nais kong dalin ang aking mga anak sa lugar na tulad ng Aizu, o lugar na may mababang sukat ng radiation.
Palagi kaming namamasyal kasama ang aking kababayan, aming napansin namin na hindi naming masyadong alam ang mga kultura ng paaralan dito sa Fukushima.At ang aming mga anak ay hindi marunong magsalita ng intsik at kami ay nahihirapan makiisa sa kanila.Kaya naisipan naming magtayong ng smahan sa pangngalang “Tsubasa” upang ang mga magulang ay magkaisa anuman ang kanilang problema.
Sa ngayon ay mayroong kaming klase para sa mga bata dalawng beses sa isang buwan sa mga kalapit na komyunidad, upang mapahusay ang kanilang pananalita sa Intsik.Mahigit kumulang na pito o walong pamilya ang kasali sa organisasyong ito. Nais naming silang palakihin upang ipagmalaki nila na ang kanilang ina ay mula sa Tsina at kanilang ipagmalaki.


No.27  Moriai Passada (mula sa Thailand babae,lungsod ng Koriyama/Taon 2012 buwan ng Abril)

 Ako ay naninirahan sa Japan ng 10 taon ng nakakalipas ngunit ang pangyayari noong Marso 11 ay hindi ko pa naranasan kahit minsan. Akala ko katapusan na ng lahat. Ito ng buhay ko.
 Pagkatapos nito nakatanggap ako ng inpormasyon tunkol sa pagsabog ng planta, mula sa kaibigang haponesa. Napakasuwerte ko at nakaimbak na ako ng pagkain at tubig upang hindi na lumabas .Pagkalipas ng lindol,isang opsiyon sa akin kung babalik ako ng Thailand pansamantala kahit nakakuha na ako ng trabaho,mahirap umalis .  At sa karagdagan ang aking kaibigan na aking kababayan ,ay palaging bumibisita sa akin na nararamdaman kong hindi ako nagiisa.
 Pinili kong maiwan ,ngunit mayroon pa ring pangamba sa kasalukuyang problema tungkol sa radiation na nakikita kosa tv . Sa kadahilanang hindi nakikita nag kalaban,Ang tangi kong magagawa ay alagaan ang aking sarili mentally,at physically.


No.26  Sean Mahoney (mula sa bansa ng Canada,laalake lungsod ng Fukushima/Taon 2012 buwan ng Marso)

 Kung ikukumpara sa mga nawalan ng bahay, sasakyan at buhay noong Marso 11. Kami ng aking pamilya ay masuwerte pa rin. Ang pagsabog ng nukleyar ay naging mahirap para sa aming mag-asawa.Kami ay nababahala pa ring mag-asawa sa level ng radiation sa aming lugar. At nais naming matapos ang pagdidilig ng bahay bago bumalik ang aming mga anak mula sa kanilang lola sa Aizu. Naging masama na ang planta ng nukleyar ay nasa Fukushima dahil ang akala ng tao sa buong mundo apektado ang buong Fukushima.Sa ganoon pa man dahil nasanay na kami at maraming kaibigang nagmamahal sa amin napagdesisyonan naming na manatili dito sa Fukushima. Nagpapasalamat kami dahil mabilis na inaaksiyonan ng Gobyerno ang pagsusuri sa pagkain at ang paglilinis at naway patuloy nilang gawin ito ng walang pagpipilit ng gobyerno.


No.25  Sampei Sumie (mula Tsina, babae sa bayan ng Namie/Taon 2012 buwan ng Marso)

 Nang gabi ng Marso 12, nakatanggap ako ng impormasyon mula sa aming munisipyo na nagsasaad na kailangang lumikas sa Tsujima.Noong oras na iyon akala ko kami ay lilikas ng 2 o 3 araw lamang at makababalik sa sarili naming tahanan.Kinubukasan kami ay nagimpake ng aming mga gamit at lumikas.Pagkaraan noon kami ay lumikas sa ibat ibang lugar hangang Agosto ng kami ay ilagay sa temporary housing sa Fukushima.Ako ay may 2 anak sa elementarya at pagkatapos ng mga pangyayari,kami ay pinalikas ng sa pilitan ng walang masyadong preparasyon at nailipat mula sa shelter hangang sa temporary housing at kailangan naming maghanap ng panibagong eskuwelahan ng aming mga anak.Napakalaking stress sa akin at mga anak.Nakabili kami ng aming bahay 5 taon palang nakakalipas at may natitira pang bayarin ang bahay na ito.Kahit anong gawin ko hindi mareresolba ang problemang hinaharap ngayon.Ang aking dapat na gawin ay manatili ang paniniwala na may magagandang mangyayari.


No.24  Ahmed Galal (mula sa Ehipto lalake, lungsod ng Fukushima/Taon 2012 buwan ng Pebrero)

 Ako ay nasa Ehipto ng maganap ang lindol.Kahit nasabi ko sa aking asawa na bumalik ng Fukushima, na umuwi ngunit nais niyang tumulong sa kanyang lalawigan kaya’t nirespeto ko ang kanyang desisyon.Simula ng Abril ay nagsimula na akong manirahan sa Fukushima kasama ang aking asawa. Sa Ehipto, ang pinakita ng media ay ang mga clip lang ng pagsabog ng planta kaya wala.akong kaalam alam sa totoong pangyayari. Ang aking pampalipas oras ay ang pagkuha ng litrato at aking inilalagay sa site upang Makita ng karamihan, na maganda ang lungsod ng Fukushima. Noong nakaraang araw umulan ng snow at ito ang una kong makaranas at makakita ng snow.Akala ko noong una ito ay isang puting bulaklak na nahulog sa langit, at ako ay nadala sa magagandang hugis. At nailagay ko rin sa site ang mga litratong kinuha ko. Naway maging daan ang pagkuha ko ng litrato sa mga taga ibang bansa na maganda ang Fukushima. http://bit.ly/A9e3jX


No.23  Lise Nagata (mula sa Tonga, babae, lungsod ng Iwaki/Taon 2012 buwan ng Pebrero)

 Pagkaraan ng lindol, ako ay abala sa pag-alaga ng mga matatanda na naninirahang mag-isa at ganoon din sa pagboluntaryo sa ibat-ibang likasan kasama ang iba pang kababayan. Ang aking asawa na nasa Tonga sa dahilanan na roon ang kanya trabaho. Ay tumawag ng ilang beses upang lumikas. Ngunit naisip ko ang mga estudyante ko sa English at mga malalapit na kaibigan na hindi ko sila maiiwan. Nagbukas muli ang paaralan ng buwan ng Mayo at nanumbalik na nanaman ang normal na Fukushima. 35 taon na akong naninirahan sa Fukushima at ito ang aking tahanan. Sa ngayon, ang aking magagawa ay ang mag-isip ng tama at sumulong.


No.22  Lopez Ken (mula sa Pilipinas, lalake, lungsod ng Fukushima/Taon 2012 buwan ng Enero)

 Ako ay naninirahan dito kasama ang aking asawa at 3 anak.Pagkalipas ng lindol,ang serbisyo ng tubig at gaas ay tumigil.Kami ay natakot sa balitang pagsabog ng planta ng nukleyar, kaya naisip naming lumikas sa Tokyo noong Marso 16. At umuwi ng Pilipinas pagkatapos ng konting panahong pagtigil sa Tokyo.At sa kadahilanang kailangan ng bumalik ng Japan dahil sa aking trabaho,napagpasiyahan naming mag-asawa lang ang bumalik ng Fukushima at iwan ang aming mga anak sa aking mga magulang noong Mayo. Kahit na sa Skype lang kami nag-kakausap ng aking mga anak,ang katotohanang hindi naming sila makausap ng personal, ay nakakalungkot sa aming parte. Nais kong ibalik ang aming mga anak, sa Marso sa kadahilanang pag-ayos ng kanilang bisa ay nag-aalala ako sa radiation.Makakalabas ba ng bahay ang aming mga anak upang maglaro? ,marami ba silang pagkain na dapat iwasan?Hangang kailan sila makakatagal sa ganitong kapaligiran? Ako ay naguguluhan ngunit, walang magagawa sa aking pag-aalala.


No.21  Suh Kyungmi (mula Amerika,babae,lungsod ng Iwaki/Taon 2012 buwan ng Enero)

 Ang aming tirahan ay nasira ng lindol kaya pagkatila ng lindol ay lumikas agad kami sa shelter kasama ang aking anak na lalake at pagkatapos ay sa tirahan ng aking kaibigan.Sa kadahilanang,nagtatrabaho sa Amerika ang aking asawa ng panahon iyon,hindi agad kami nagsama- samang pamilya hanggang Marso 18. At kahit nakakita kami ng bagong lugar natitirahan nahihirapan kaming masanay sa bagong kapaligiran. Ang aming pamilya ay nagpaplanong lumipat sa siyudad ng Kagoshima sa darating na Summer dahil doon siya malilipat ng trabaho.Nakalipas na ang 10 buwan mula ng kalamidad at wala akong naririnig na balita kungdi pagbabago,radiation,at dekontaminado.Noong una ako ay masyadong nagpanic kaya wala akong oras isipin ang ibang bagay. Ngunit sa totoo lang nakaka pagod ng pakinggan ang agnitong paulit ulit na istorya araw-araw.Ang kailangan ko ngayon ay humanap ng paraan upang mahilom ang aking puso at isipan.


No.20  Masami Kanno (Nihonmatsu mula Pilipinas/Taon 2011 buwan ng Disyembre)

 Pagkatapos ng lindol, maraming taga Namie ang lumikas sa aming lugar. Kami ng mga taga shelter ay tumulong at nanilbihan sa mga lumikas. Sa nakalipas na sakuna maraming nawalan ng mahal sa buhay at Tirahan. Kung iisipin mo kahit na may takot pa sa lindol at radiation ay masuwerte pa rin ako.Ngayon ang pinapakain kong bigas sa mga bata ay galing sa ibang lugar at sa aming mga matanda ay bukod din. Araw-araw dalawang beses akong nag-sasaing. Araw-araw din nakikibaka sa hindi nakikitang kalabang radiation. Ngunit sama sama kaming magpamilya kaya nakakayanan namin ito.At ang pinaka importante para hindi maistress ay ang sumali sa ibat-ibang pangyayari.


No.19  Zhang Qun(Fukushima mula Tsina/Taon 2011 buwan ng Disyembre)

 Ako ay isang nagmamay-ari ng Chinese restaurant. Nang matapos ang lindol ay hindi kapaniwala ang nangyari sa restaurant na wala pang isang taon simula ng buksan ito. sira sira ang mga kasangkapan, walang tubig at koryente kayat di makapag bukas. Ako ay na shock kung papaano simulan ngayon ang buhay. Ngunit nagpapasalamat ako sa aking mga kostumer na walang tigil ang pagsuporta na siyang ikinatuwa ko. Simula noong lindol nais kong magbakasyon ngunit may mga tungkulin pang dapat ayusin.
 Nakuha kong pagtibayin ang pagtitiwala at relasyon sa pagitan ng aking mga kostumer. Ito’y isang kayamanan na hindi mapapalitan. Sa kadahilanan ng nakaraang kalamidad marami ang nawalan ng trabaho. Ang aking lang hinihiling sa Gobyerno ay ang mabilis na pagpapabalik ng Fukushima sa dati. Pagpapatuloy ko ang pagsisilbi ng pagkain Tsina at pagyamanin ang relasyong nabuo ng nangyari ang kalamidad.


No.18  Chintaka Kumalla (mula Sri Lanka, lalake Koriyama City/Taon 2011 buwan ng Nobyembre)

 Ang nakaraang lindol ay nagdulot nang paghihiwalay namin ng aking pamilya.Pagkatapos ng lindol tumigil ang aking mga mag-ina sa ibang bayan ng aking kaibigan at pakatapos ay umuwi sa Sri Lanka.Ang aking anak ay lumipat sa ibang paaralan sa Amerika. Sikat ang hapon sa lahat ng teknolohiya.Inaasahan ko na magawan ng paraan ng mga professional sa teknolohiya ang pagtanggal ng radio active na material sa lalong madaling panahon. ako ay nag-aalala sa mga bata dahil sila ang pangunahing haligi ng nasyon ito sa darating na panahon.Kung hindi pa sila kikilos ngayon, hindi na nila kakayanin ito. Simula pa lang noon ako’y nag-aaral ng Sensiya at teknolohiya sa Unibersidad ng Hapon, maraming hindi mabibilang na memoriya sa Fukushima. Ako ay naniniwalang ang Fukushima ay “Isla ng Kaligayahan” kung saan ako ay nababagay.


No.17  Zhu Yun Fei (mula Tsina, lalake Fukushima City/Taon 2011 buwan ng Nobyembre)

 Ng maganap ang lindol kinabukasan ay umuwi kaming mag-anak sa Tsina. Ang aking anak na lalake ay nasa magulang ko ngayon. Bumalik na sa dati ang Fukushima ngunit ang aking trabaho at Ibapa. Dati akong coordinator ng mga studyanteng mula sa Asia at Fukushima. Gusto kong gumawa ng paraan maibalik ang mga bata sa Fukushima. Sa una ako ay nag-aalala sa epekto ng radiation sa mga bata dahil ibat-ibang opinion ng mga siyensiya. Plano kong umuwi at mag-sama kami ng aking anak balang araw. Sa ngayon ay wala pa akong plano.


No.16  Yuna Choi (babae mula Korea,Fukushima City/Taon 2011 buwan ng Oktubre)

 Ako ay isang international student dito sa Fukushima. Ng mangyari ang lindol kami ay lumikas sa isang shelter ng kaibigan ko. Nang sumunod na araw tumawag ang aking mga magulang at napag alaman ang balita ukol sa radiation at pinilit nilang lisanin ko ang Fukushima kaya kami ay nag bus ng kaibigan ko papuntang Fukushima Airport. Sinuwerte kami dahil nakasakay kami patungong Korea ng Marso 14. Pagkalipas ng ilang buwan at mag-uumpisa ang bagong semester ako ay bumalik ng buwan ng Mayo upang matunghayan ko sa sariling mata kung ano ang kinahinatnan ng Fukushima. Sa aking pagkabigla na bumalik na sa normal ang lahat at parang walang nangyaring sakuna. Palagi ko ng dala ang aking pasaporte kahit saan ako magpunta at nakasuot din ng mask dahil takot sa epekto ng radiation. Pero hindi ko na ginagawa ito ngayon. Determinado akong magtapos sa aking kurso dito sa Fukushima University kaya ginagawa kong lahat ng aking makakaya upang maabot ko ang aking pangarap.


No.15  Euripa Aparecida Ojima(babae mula Brazil ng Fukushima City/Taon 2011 buwan ng Oktubre)

 Ako ay nagtatrabaho sa Motomiya ng maganap ang lindol kaya di agad ako nakauwi hanggang alas onse ng gabi. Sa pag-aalala sa pagsabog ng Nuclear power plant kami ay lumikas ng aking asawa patungong Brazil sakay ng bus na padala ng Embahada ng Brazil hangang Tokyo ng Marso15. Ng ako ay nasa Brazil tinatawagan ko ang aking kaibigan isang beses sa isang linggo upang makibalita sa sitwasyon ng Fukushima. Bumalik kami ng Fukushima ng Hunyo, na inaakalang ligtas na. Bagamat nag-aalala pa rin ako sa problema ng radiation ,ganon din sa madalas na pag lindol,ako ay nag-ipon ng mga cup noodles sa tabi ng pintuan mangyari man uli ang sakuna ako ay handa na. Naniniwala ako sa kakayanan ng mga Hapon, na madali silang bumangon at mababalik ang mga nawala sa kanila dahil sa kanilang tiyaga at pag-asa sa darating na panahon.


No.14  Andrew Chapman (Aizuwakamtsu City, Amerikano/Taon 2011 buwan ng Setyembre)

 Ako ay nagsimulang nagtrabaho sa Aizu Wakamatsu International association noong Mayo nitong taong ito. Nang maganap ang lindol ako ay nasa eroplano galing sa Taiwan na papuntang Narita ngunit, nailipat sa Airport sa Kansai at tumigil ng isang gabi. Ako lumipad patungong Narita kinabukasan at sumakay ng bus patungong Aizu. Ang lugar ng Aizu ay hindi nagbago tulad ng unang dating ko dito bilang turista ngdalawang taon ang nakalipas. Ngunit, ang bilang ng turista ay umunti lalo ng mga dayuhan mula sa ibang bansa. Ang Aizu ang may pinakamababang bilang ng nasira ng lindol,ngunit malaki sa kadahilanan ng radiation. namomoblema ang mga magbubukid sa pagtinda ng kanilang tanim sa lugar ng Fukushima. Kahit na nagkaroon ng lindol, ako ay nagpasyang bumalik upang makatulong sa mga dayuhan naninirahan sa Aizu Wakamatsu sa oras ng kanilang paghihirap at maging daan ng mga kaalaman sa mga nangangailangan ng tulong.


No.13  Liliana Takahashi (Motomiya City, Mehiko/Taon 2011 buwan ng Setyembre)

 Ako ay nasa Mexico ng maganap ang lindol upang iprepara ang aming kasal,ngunit kinangailangan kanselin dahilan sa malaking sakuna na sinabi na aking asawa na natangay ng sunami ang bahay ng aking mga biyenan at ang pag-aari nilang Kindergarten ay ginawang shelter. Masyadong grabe ang balita dito sa Mexico at akoy natakot kaya’t nagpasya akong sa internet na lang manood ng balita. Ninais kong magbalik ng Japan dahil nag-aalala ako sa aking asawa ngunit ayaw akong payagan ng aking mga magulang sa kadahilanang magiging problema lang ako dahil sa kakulangan ng tubig,pag-kain, ilaw ng panahong iyon. Nagbalik ako pagkaraan ng isang buwan dahil mahirap ang trabaho sa Japan. Nag-aalala pa rin ang aking mga magulang gawa ng radiation. Ngunit natuwa sila ng malaman mag-kasama kaming mag-asawa at nagtutulungan. Mula ng ako ay manumbalik maraming pagbabago at ako ngayon ay naninilbihan sa kindergarten bilang katulong, at marami kaming mga events na ginagawa upang matulungan namin ang mga tao na malibang ang kanilang isipan. Kalahati ng estudyante sa kindergarten ay nawalan ng bahay at kapamilya. Kaya kinailangan kong bumalik upang mapasaya sila at manumbalik ang mga ngiti sa kanilang mukha.


To the top of a page